ang friendster ang pioneer ng lahat ng mga social networking sites, para sa isang pilipino. hi5 siguro para sa mga koryano at hapon, bebo sa mga brits at myspace sa mga amerikano.
ngaung may facebook na, hindi ko na nabubuksan ang aking friendster. nasasayangan nga ako dahil andun lahat sa fs ko lahat ng photos na sa computer ay hindi nakasave dahil nadelete nung nareformat. masyado kasing marami ung nasa fs na hindi ko maisave isa isa lahat sa aming local disk.
andun sa fs lahat ng mga comment na inipon ko halos, reviews, messages at anik anik.
social networking sites come and go. hindi natin alam after ilang years, malalaos na naman ang fb at may bago na naman.
fs is doing everything para muling mauso. maraming changes at modifications, pero wala pa rin. hay naku, ibenta na lang kaya sa google at magstart ulit ng bago. ewan ko lang kung interisado pa ang google.
kung walang fs, myspace, bebo at hi5 jan, walang fb. yung wall at tags, galing sa bebo naman un ee. sila ang orig nun. ung news && live feed, sa fs un.
ang gusto ko sa fb, madaling isearch ang friends. tas napakadynamic ng dating. kea lang, limited ang ating privacy. pati sa pm, hindi na pm, gm na, unless sa iisang tao mu lang sinend ung message.
lalausin din ata ng fb ang ym kasi may chat, maliban lang sa mga mahilig mag webcam.
Post Title
→friendster: laos na?
Post URL
→https://aciksexygirl.blogspot.com/2010/02/friendster-laos-na.html
Visit Acik Sexy Girl for Daily Updated Wedding Dresses Collection