bumili ako ng shades kanina sa may tiangge, muslim ang tindera matandang babae at nagyoyosi pa "shades niyo diyan, dito ay mura.."
maraming pagpipilian, Lacoste at Ray Ban alam kong di ko bagay, pero kailangan dahil super init na ngaung mga buwan kaya ang mata'y dapat proteksyunan
akin nang napili, iyong dolce ang gabbana kung ito ay tunay, mahal ang halaga dahil nga tiangge, kaya abot kaya krisis kasi ngaun, butas aking bulsa
"ang mahal naman, pwede po bang babaan niyo?" dahil sabi niya, isandaan daw ito "pwede po bang P80 na lang kasi ito lang pera ko?" buti naman at siya ay umoo
pero aking pag-uwi ako ay nadismaya ang binili kong shades ay sira pala dahil sa katangahan, P80 ay napunta sa wala nakakainis, dapat inusisa ko muna